Ang kapitan ng isang bangkang pang-cruise sa ilog na bumangga sa isa pang sasakyang pangdagat sa kabisera ng Hungary noong 2019, na ikinamatay ng hindi bababa sa 27 katao na pangunahing mga turista mula sa Timog Korea, ay napatunayang nagkasala noong Martes ng kapabayaan na humantong sa isang nakamamatay na sakuna sa maramihang katao at hinatulan ng limang taon at anim na buwan sa bilangguan.
Hinatulan ni Hukom Leona Nemeth ng Pest Central District Court na ang kapabayaan ng Ukrainian na kapitan, ang 68 taong gulang na si Yuriy Chaplinsky, ay humantong sa pagbangga ng kanyang bangka, ang Viking Sigyn, mula sa likod sa bangkang pang-turista na Hableany (Mermaid), na nagdulot sa pagsadsad ng huling bangka sa loob ng ilang segundo.
Sa kanyang hatol, pinawalang-sala ng hukuman si Chaplinsky sa 35 na pagkakasala ng pagkabigo sa pagbibigay ng tulong. Pareho napag-apela ni Chaplinksy at ng prosekusyon ang desisyon ng hukuman, at iniremanda ng hukom ang akusado sa bahay na pagkakakulong habang naghihintay ng bagong paglilitis.
Nangyari ang pagbangga noong Mayo 29, 2019, nang lumubog ang Hableany, na may dalang 35 katao, matapos masalpukan sa ilalim ng Tulay ng Margit sa Budapest ng mas malaking Viking Sigyn.
Pitong mga Koreano ang iniligtas mula sa tubig sa malakas na ulan pagkatapos ng pagbangga, at 27 katao ang nakuha nang patay kabilang ang dalawang kasapi ng Hungarian crew. Isang babaeng Koreana pa rin ang hindi pa natatagpuan.
Ang ilang mga biktima ay natagpuan linggo pagkatapos ng aksidente higit sa 60 milya pababa sa daloy ng ilog.
Nagtagal ng higit sa 12 araw sa ilalim ng tubig sa lugar ng pagbangga malapit sa neo-Gothic na Gusaling Pangparlamento ng Hungary ang Hableany bago iniangat mula sa ilog gamit ang isang nakalutang crane.
Mula noong pagbangga, nasa kustodiya ng pulis si Chaplinsky, kabilang ang pagkakapiit sa bahay sa Hungary simula 2020. Inutos ng hukom na bilangin ang oras na nakulong na si Chaplinsky patungo sa kanyang parusang lima’t kalahating taon.
Sa kanyang pahayag bago ang hatol noong Martes, tinawag ni Chaplinsky ang pagbangga bilang isang “nakakatakot na trahedya,” at sinabi na ang mga kamatayan ng “napakaraming inosenteng biktima” ay nagpapatuloy sa pagpigil sa kanya sa gabi.
“Mananatili ito sa akin para sa natitirang bahagi ng buhay ko,” sabi niya.
Tatlong kawani mula sa Embahada ng Timog Korea sa Budapest ang naroroon para sa pagbabasa ng hatol, ngunit walang pamilya ng mga biktimang Koreano ang dumalo sa pagdinig.
Pagkatapos ng mga paglilitis, sinabi ni Zsolt Sogor, isang abugado ng prosekusyon, na naaayon sa mga legal na kinakailangan ang hatol, ngunit naniniwala ang mga prosecutor na mananagot si Chaplinsky para sa pagkabigo sa pagbibigay ng tulong sa Hableany pagkatapos ng pagbangga.
“Naaawa ako sa taong ito. Talagang ginawa niya ito nang pabaya,” sabi ni Sogor. “Ngunit magkakaiba ang aming opinyon mula sa pananaw ng hukuman sa paraang ayon sa aming pananaw, dapat kumilos ang kapitan ng isang barko. Hindi sapat na pumunta at kumilos ang kanyang mga mandaragat upang isagawa ang rescue. Dapat niyang pinaigting ang buong rescue upang iligtas ang mga buhay ng tao.”
“Tingnan natin kung ano ang mangyayari sa panahon ng apela. Posible itong (parusa) maging mas mahigpit, ngunit isang bagay ang sigurado: Hindi ito bababa,” sabi niya.