Tim Hortons naglulunsad ng TimShop.ca na may BAGONG limitadong edisyong merch kabilang ang nostalgic vintage-inspired sweatshirts at T-shirts

Bukod sa iba’t ibang eksklusibong damit, nag-aalok din ang TimShop.ca ng iba’t ibang sikat na mga produktong Tims sa Bahay tulad ng Tim Hortons® Fine Grind Coffee, Espresso Capsules at mga single-serve K-Cup Pods.
Magkakaroon din ng limited-edition National Coffee Day merch drop sa TimShop.ca sa huling bahagi ng buwan na ito. Abangan ang mga detalye sa lalong madaling panahon!
Sa limitadong panahon, maaaring makakuha ng 10 Tims Rewards Points para sa bawat $1 na ginugol sa mga kuwalipikadong pagbili na ginawa sa TimShop.ca ang mga nakarehistrong miyembro ng Tims Rewards.

TORONTO, Sept. 5, 2023 /CNW/ – Inilunsad ng Tim Hortons ang TimShop.ca, isang bagong online shop, na nagtataglay ng limited-edition na damit kabilang ang halo ng mga T-shirt at sweater na may nostalgic, retro feel at modernong mga pirasong may tatak na Tims na nabuo mula sa kasikatan ng nakaraang mga koleksyon ng damit para sa National Coffee Day.

Mayroong magagamit na hanay ng mga sweater, T-shirt, joggers at iba pa sa tatlong koleksyon:

Always Tims Collection
Isang nostalgic na linya na inspirasyon mula sa iconic na logo at branding ng Tim Hortons noong nakaraan. Mga highlight kabilang ang isang hoodie, T-shirt, mesh-back hat at isang old-school na lunchbox na nagtataglay ng vintage na logo ng Tim Hortons.

Always Fun Collection
Isang moderno, maliwanag at kulay-kulay na koleksyon na puno ng lasa ng Tims, kabilang ang mga novelty crewneck sa matitingkad na pink at electric blue, bukod pa sa loungewear na inspirasyon mula sa Double Double.

Always Fresh Collection
Isang super lambot at contemporary na set ng mga classic essentials na inspirasyon mula sa Original Blend Coffee ng Tim Hortons na nagtataglay ng tagline na “Always Fresh, Always Delicious” at isang tasteful na embroidered red patch design.

“Maraming mga Canadians mula coast to coast na nagsabi sa amin na gusto nilang makita ang mas maraming damit mula sa amin na ipinagdiriwang ang nostalgic na itsura ng Tim Hortons at isang mas modernong paglalarawan ng brand ngayon,” sabi ni Markus Sturm, Senior Vice President ng Consumer Goods, Digital at Loyalty sa Tim Hortons.

“Talagang excited kami na ilunsad ang TimShop.ca bilang isang bagong destination para bigyan ang mga Canadians ng mas maraming access sa mga bagong damit at produkto na alam naming mamahalin nila.”

Sa limitadong panahon, kumikita ng 10 Tims Rewards Points para sa bawat $1 na ginugol ang mga miyembro ng Tims Rewards sa mga kuwalipikadong pagbili na ginawa sa TimShop.ca.

Maaari ring bilhin sa TimShop.ca ang mga produktong Tims sa Bahay tulad ng Tim Hortons® Fine Grind Coffee, Espresso Capsules at mga single-serve na K-Cup Pods.

Magkakaroon din ng limited-edition na National Coffee Day merch drop ang Tim Hortons sa TimShop.ca sa huling bahagi ng buwan na ito. Abangan ang mga detalye sa lalong madaling panahon!

TUNGKOL SA TIM HORTONS
Noong 1964, nagbukas ang unang restaurant ng Tim Hortons® sa Hamilton, Ontario at mula noon ay umoorder na ang mga Canadians ng iconic na Original Blend coffee ng Tim Hortons, mga kape ng Double-Double, Donuts at Timbits® sa mga taon na lumipas. Sa huling 55 taon, hinawakan ng Tim Hortons ang mga puso at panlasa ng mga Canadians at naging kasingkahulugan ito sa paghahain ng paboritong kape ng Canada. Ang Tim Hortons ang pinakamalaking restaurant chain sa Canada na nag-ooperate sa quick service industry na may halos 4,000 na mga restaurant sa buong bansa. Higit sa isang coffee at bake shop, bahagi ng Canadian fabric ang Tim Hortons at maaaring ma-enjoy ng mga bisita ang mainit at malamig na mga specialty beverages – kabilang ang mga latte, cappuccino at espresso, mga tea at aming sikat na Iced Capps® – kasama ang masasarap na almusal, mga sandwich, wrap, soup at iba pa. Mayroong higit sa 5,400 na mga restaurant ang Tim Hortons sa Canada, Estados Unidos at sa buong mundo. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Tim Hortons, bisitahin ang TimHortons.ca

PINAGMULAN Tim Hortons