PALO ALTO, Calif., Sept. 8, 2023 — Magpapresenta ang Kodiak Sciences Inc. (Nasdaq: KOD), isang kompanyang biopharmaceutical na nakatuon sa pananaliksik, pag-develop at pangkomersiyong pagbebenta ng mga transformative na therapeutics upang gamutin ang mataas na prevalence na retinal diseases, sa Morgan Stanley 21st Annual Global Healthcare Conference sa New York, NY sa Miyerkules, Setyembre 13, 2023, nang 12:55 p.m. Eastern Time.
Magkakaroon ng live webcast ng presentasyon sa “Events and Presentations” section ng website ng Kodiak sa http://ir.kodiak.com/ at mananatiling available para sa replay ng limitadong panahon pagkatapos ng event.
Tungkol sa Kodiak Sciences Inc.
Ang Kodiak (Nasdaq: KOD) ay isang kompanyang biopharmaceutical na nakatuon sa pananaliksik, pag-develop at pangkomersiyong pagbebenta ng mga transformative na therapeutics upang gamutin ang mataas na prevalence na retinal diseases. Nakatutok kami sa pagdadala ng bagong siyensiya sa disenyo at paggawa ng mga susunod na henerasyon na retinal medicines upang mapigilan at gamutin ang mga pangunahing sanhi ng pagkabulag sa buong mundo. Ang aming antibody biopolymer conjugate platform, o ABC Platform ay nasa gitna ng discovery engine ng Kodiak. Ang unang investigational medicine ng Kodiak, ang tarcocimab tedromer, ay isang nobelang anti-VEGF antibody biopolymer conjugate na sinuri para sa paggamot ng retinal vascular diseases. Ang pangalawang clinical program ng KSI-501, na gawa mula sa isang first-in-class na bispecific protein na tumututok sa parehong IL-6 (anti-IL-6 antibody) at VEGF (VEGF-trap), ay balak gamitin para sa paggamot ng parehong orphan at mataas na prevalence na retinal diseases. Ang Kodiak ay nakabase sa Palo Alto, CA. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang www.kodiak.com.
Ang Kodiak®, Kodiak Sciences®, ABC, ABC Platform at ang logo ng Kodiak ay mga nakarehistrong trademark o mga trademark ng Kodiak Sciences Inc. sa iba’t ibang global jurisdictions.
PINAGMULAN ang Kodiak Sciences Inc.