SHANGHAI, Sept. 14, 2023 – Inihayag ng Asieris Pharmaceuticals (688176), isang global na biopharma na kompanya na nagsuspesyalisa sa pagtuklas, pag-unlad at pangangalakal ng mga inobatibong gamot para sa paggamot ng mga tumor sa genitourinary at iba pang kaugnay na sakit, na ang kanilang bagong gamot na oral na APL-1401 para sa paggamot ng katamtamang hanggang sa malubhang aktibong colitis ulcerosa (UC) ay nakumpleto na ang unang pagbibigay nito.
Ang pag-aaral ay isang randomized, double-blind na Phase Ib na pag-aaral na sinusuri ang kaligtasan, pagtitiis, pharmacokinetics, at preliminaryong bisa ng APL-1401 sa mga pasyente na may katamtamang hanggang sa malubhang aktibong UC. Natanggap na nito ang pag-apruba mula sa United States Food and Drug Administration (FDA) at ang National Medical Products Administration (NMPA) ng Tsina.
“May nananatiling hindi natutugunang pangangailangan medikal para sa mga pasyente na may UC,” sabi ni Dr. Linda Wu, Chief Development Officer ng Asieris, “Lubos na nakatuon ang kompanya sa pagsulong ng klinikal na pag-unlad ng produktong ito, sa pagkumpleto ng klinikal na pag-aaral sa mataas na pamantayan at sa pagkamit ng mga resulta sa klinikal sa lalong madaling panahon.”
Tungkol sa Asieris
Ang Asieris Pharmaceuticals(688176.SH), itinatag noong Marso 2010, ay isang global na biopharma na kompanya na nagsuspesyalisa sa pagtuklas, pag-unlad at pangangalakal ng mga inobatibong gamot para sa paggamot ng mga tumor sa genitourinary at iba pang kaugnay na sakit. Pinagsisikapan namin na pahusayin ang kalusugan ng tao upang mapangalagaan ang dignidad ng pasyente. Layon naming maging isang global na pinuno sa pharma na pagsasama-sama ng pananaliksik at pagpapaunlad, paggawa at pangangalakal sa aming mga lugar ng focus, habang nagbibigay kami ng pinakamahusay na integrated na diagnosis at mga solusyon sa paggamot para sa mga pasyente sa Tsina at sa buong mundo.
Patuloy na binubuo ng kompanya ang sariling pananaliksik at pagpapaunlad na platform at pangunahing teknolohiya, sinisiyasat ang mga bagong mekanismo ng pagkilos, at mabilis na sinusuri at tinatasa ang mga kandidato sa gamot. Sa matatag na panloob na sistema sa pananaliksik at pagpapaunlad at kasanayan sa global na pagpapaunlad ng gamot, nakatuon ang Asieris sa paglulunsad ng mga gamot na first-in-class at iba pang mga inobatibong produkto upang matugunan ang malaking hindi natutugunang pangangailangan sa mga lugar nito ng focus.
Dinadagdagan din ng Asieris ang pipeline nito para sa mga sakit sa genitourinary sa pamamagitan ng sariling pananaliksik at pagpapaunlad at mga estratehikong partnership, habang malapit na sinusubaybayan ang mga nangungunang teknolohiya at therapeutics. Pinagsisikapan ng kompanya na matuklasan at matukoy ang mga hindi natutugunang pangangailangan sa klinikal, at ginagamit ang isang progresibong pagharap sa pagpaplano ng produkto at pamamahala ng life-cycle. Layon naming magtatag ng isang kahanga-hangang portfolio na sumasaklaw sa diagnosis at paggamot sa hangarin na makinabang ang higit pang mga pasyente sa Tsina at sa buong mundo.
PINAGMULAN Asieris